Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian na wanted sa kasong panggagahasa sa Quezon City nang tangkaing lumabas ng bansa patungong Singapore kamakailan.

Hinarang ng mga tauhan ng BI ang akusadong si Jacob Manoj Paul Chempalakunnil, 50, habang paalis ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 nitong Setyembre 8.

Patungo na sana sa Singapore si Chempalakunnil nang harangin ng mga tauhan ng Immigration, ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.

“As a policy, courts forward to us orders barring the travel of individuals who have a warrant of arrest or a hold departure order,” ani Tansingco.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

“Upon receipt of orders from courts, we immediately include these individuals in our derogatory record,” anang opisyal.

Nilinaw ni Tansingco na nauna nang naglabas ng warrant of arrest ang Branch 220 ng Quezon City Regional Trial Court laban kay Chempalakunnil sa kasong rape.

Under custody na ng National Bureau of Investigation (NBI) si Chempalakunnil.

PNA