Sinabi ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla sa kaniyang Facebook page nitong Linggo, Setyembre 10, na nami-miss na niya umano ang mundo ng aksiyon at pelikula.

Makikita sa post ang kuha niyang larawan habang nakahiga sa kaniyang truck na pang-shooting.

“Tagal ko rin hindi nahigaan ang aking Truck na pangshooting Kailangan ng Taposin ang mga proyektong nabinbin,” pahayag ng Senador sa caption ng larawan.

Bukod pa riyan, nabanggit niya rin ang pagdinig tungkol sa Eddie Garcia Bill.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“Sabay pag aaral na rin kung ano ang applicable sa shooting kapag nagkaroon ng pagdinig uli patungkol sa Eddie Garcia Bill.”

Pahabol pa ni Padilla:

“Na Miss ko ang mundo ng aksyon at pelikula

Hasta la vista, baby.”

Ang Eddie Garcia Bill ay naglalayong protektahan ang mga manggagawa sa industriya ng telebisyon at pelikula mula sa abuso, pananamantala, at delikadong working environment.

Ipinangalan ang nasabing panukalang bata sa yumaong batikang aktor na si Eddie Garcia na ang naging sanhi umano ng pagkamatay ay bali sa leeg na dulot ng pagkakatapid sa nakakalag na kable sa set.