Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paggunita ng ika-106 anibersaryo ng kapanganakan ng kaniyang yumaong ama at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Batac, Ilocos Norte nitong Lunes, Setyembre 11.
Kasama ni Marcos ang kaniyang pamilya para sa isinagawang Thanksgiving Mass sa Immaculate Conception Parish - Batac bago ang wreath-laying ceremony sa monumento ng kaniyang ama sa kanilang hometown sa Batac.
“Your legacy lives on, and for as long as I'm here, I will use everything I learned from you to continue your work,” ani Marcos sa kaniyang Facebook post.
Sa kaniya namang talumpati sa seremonya, inilarawan ni Marcos ang kaniyang ama bilang tunay na Pilipino at Ilocano na nanindigan umano para sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.
Nanawagan din ang pangulo na magsilbi nawa umanong inspirasyon sa kabataang lider at mga opisyal ng gobyerno ang mga ipinakita ng kaniyang ama nang manungkulan ito bilang pangulo sa loob ng dalawang dekada.
“To the young leaders and government officials, it is my earnest hope that my late father’s values, ideals, and visions for the country will spur you into aspiring for greater roles and more meaningful endeavors—much like how these have inspired me,” ani Marcos Jr.
“Let us act in our own small and unique ways to support government, to support our people in all the initiatives and programs, and continue to instill in every Filipino the sense of ownership and accountability in building our great nation.”
"The Philippines is ours to love, and the path to a new Philippines—a more equitable, sustainable, and resilient one—is ours to make,” saad pa niya.
Matatandaang idineklara ni Marcos Jr. na special non-working day ang Setyembre 11, 2023 sa probinsya ng Ilocos Norte bilang paggunita sa anibersaryo ng kapanganakan ni Marcos Sr.
MAKI-BALITA: PBBM, idineklarang holiday ang Setyembre 11 sa Ilocos Norte para sa birth anniversary ng ama