Nanawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), kasama ang mga lider ng simbahan mula sa United Church of Christ in the Philippines (UCCP), na ilabas na ang Central Luzon-based environmental activists na sina Jhed Tamano at Jonila Castro na dinakip umano sa Bataan kamakailan.

Matatandaang inihayag ng human rights group noong Setyembre 3 na dinakip ng hindi pa nakikilalang armadong mga lalaki sina Tamano at Castro noong Setyembre 2 ng gabi sa Orion Water District sa Brgy. Lati, Orion, Bataan.

MAKI-BALITA: 2 environmentalists, dinakip sa Bataan – human rights group

Sa isang pahayag naman ng PAMALAKAYA nitong Lunes, Setyembre 11, inihayag nitong kinikilala ng kanilang miyembro sa Cavite ang dalawang environmentalists bilang mga miyembro ng AKAP-KA Manila Bay.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“[AKAP-KA Manila Bay] has been vilified and surveilled by the police and military at the height of the campaign against the Bulacan Aerotropolis Project,” pahayag ng PAMALAKAYA.

Ayon sa grupo, bago dakipinin sina Tamano at Castro ay aktibo umano ang dalawa sa pag-oorganisa sa coastal communities sa hilagang bahagi ng Manila Bay.

“Their tasks as coordinators of environmental formation AKAP Ka Manila Bay are crucial, especially amid the pressing anti-reclamation campaign of fisherfolk and residents of Manila Bay,” anang PAMALAKAYA.

Binanggit din nitong kabilang ang coastal towns ng lalawigan ng Bataan sa maraming lugar na nanganganib dahil sa reclamation projects, kung saan sakop umano ito ng 18,000-ektaryang Manila Bay Integrated Flood Control, Coastal Defense and Expressway Project.

“The said project involves the dump-and-filling of productive fish ponds, mangrove areas, and municipal fishing grounds in the several towns of Bataan, Bulacan, and Navotas City,” saad ng PAMALAKAYA.

Matatandaang kamakailan lamang ay kinondena ng human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno ang nangyaring pagkakadakip umano kina Tamano at Castro.

MAKI-BALITA: Chel Diokno, kinondena pagdakip sa 2 environmentalists sa Bataan