ASSURANCE > INSURANCE
May munting paalala ang Commission on Elections (Comelec) sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa kanilang social media accounts, nagbigay-paalala ang Comelec sa mga botante.
“Piliin natin yung bibigyan tayo ng assurance. Hindi yung 'insurance' para sa sarili nya lang, iykwim [if you know what I mean],” saad nito.
https://twitter.com/COMELEC/status/1701037844284998129
Nauna nang inanunsyo ng Comelec na magsisimula sa campaign period sa Oktubre 19 hanggang 28 habang ang araw ng botohan ay idaraos sa Oktubre 30.