Nagkampeon na rin ang Germany sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Ito ay nang pulbusin nito ang Serbia, 83-77, sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City nitong Linggo ng gabi.

Sa huling bahagi ng laban, humabol pa ang Serbia, 79-77, sa tulong nina Aleksa Avramovic at Marko Guduric.

Eleksyon

11 senatorial aspirants ng Makabayan, sabay-sabay naghain ng COC

Gayunman, lakas-loob na sumalaksak si Dennis Schroder kaya't nakuha ng Germany ang 4-point lead, 21.4 seconds na lamang sa regulation period.

Nasayang ang sumunod na ball possession ng Serbia kaya't bumalik sa Germany ang opensa kung saan bumuslo pa ng dalawang puntos si Schroder hanggang sa maiuwi nila ang kampeonato.

Matatandaang naipanalo ng Germany ang lahat ng walong laro sa torneo.