Binira ni Presidential legal counsel Juan Ponce Enrile ang “Unkabogable Star” na si Vice Ganda kaugnay sa isyung pagkain nila ng kaniyang na si Ion Perez ng icing sa “Isip Bata” segment ng “It’s Showtime."

Sa isang radio program ng SMNI News na umere noong Sabado, pinag-uusapan ng mga radio host kasama si Enrile ang tungkol sa isyu ng nabanggit na noontime show.

It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Dito ay walang prenong sinabihan ng “bastos” ng dating senador si Vice Ganda.

“Ang problema kasi sa bansa natin kung meron kang power political, social, o economic o whatever, halos hindi mo na iniisip yung kapwa,” saad ni Enrile.

“’Yung binigay na katangian mo sa iyong lipunan ay hindi mo na tinitingnan ang kakulangan ng iba. Sarili mo na lang iniisip mo, akala mo maganda ‘yung ginagawa mo, super bastos ka, bastos kang tao,” patutsada nito.

“Hindi lang walang decency kung hindi abusado, bastos,” dagdag pa niya. “Alam ko na mapagpatawa yang binabanggit mo na babae [Vice Ganda] magmula pa ng araw ganyan na ‘yan.”

“Kung followers sila edi sundin ninyo pero hold ninyo ang nilalagay sa public medium [hindi] yung kabastusan n’yo… kung susundin n’yo ang bastos, bastos ka rin,” aniya.

“You’re earning your living and popularity sa kabastusan,” pahabol pa ng Presidential legal counsel.

Matatandaang pinatawan ng 12 airing days suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “It’s Showtime” na lumabas noong Setyembre 4, 2023.

Ayon MTRCB, may kaugnayan umano ang desisyong suspendihin ang noontime show dahil sa mga natanggap na reklamo kaugnay sa inasta ng magkarelasyong Ion Perez at Vice Ganda na parehong host ng programa habang kumakain ng icing sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

Maki-Balita: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Samantala, trending sa X (dating Twitter) si Enrile dahil umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang naging pahayag.