Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng umaga, Setyembre 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:38 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 368 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental na may lalim na 50 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.