Nasa 70.20% o 569 sa 849 examinees ang pumasa sa September 2023 Real Estate Appraiser Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Setyembre 11.
Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Maureen Grace Cruz Usacdin mula sa Lyceum of Alabang bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 91.50% score.
Hinirang naman bilang top performing school ang Trinity University of Asia (Trinity – Quezon City) matapos itong makakuha ng 92.50% passing rate.
Isinagawa umano ang naturang pagsusulit noong Setyembre 6, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, at Tacloban.