Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) ang dinakip ng mga tropa ng gobyerno sa ikinasang operasyon sa Binalbagan, Negros Occidental nitong Linggo, Setyembre 10.

Kinilala ng pulisya ang dalawang rebelde na sina Junjie Camanso, 30, may-asawa, at Judy Blazer, 61, may-asawa, kapwa taga-Binalbagan, Negros Occidental.

Ang dalawa ay miyembro ng Yunit Militia (YM) na nag-o-operate sa nasabing lugar, ayon sa pulisya.

Inaresto si Camanso sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Himamaylan City (Negros Occidental) Regional Trial Court (RTC) Branch 55 Judge Walter Zorilla noong Setyembre 28, 2019, sa kasong attempted murder.

Inirekomenda ng hukuman ang piyansang ₱120,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Dinampot naman si Blazer sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng nasabi ring hukuman noong Pebrero 2005, sa kasong murder.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Blazer.

Nasa kustodiya na ng Binalbagan Municipal Police Station ang dalawang akusado.