Tampok sa latest vlog ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang pagtungo nila sa Sydney, Australia ng kaniyang partner na si Gregg Homan, siyempre pa, kasama ang kanilang junakis na si Baby Amila Sabine.

Nagpunta sa Sydney ang mag-anak upang ipagdiwang ang "Father's Day" doon.

"Welcome to our 2nd home here [in] Sydney, Australia! 😊 It's Father's day so we decided to go to the park and went to the grocery too. Our family is enjoying the wonderful vibe here," mababasa sa caption ng vlog.

"We 're looking forward for more exciting adventures with our baby love. Hope you guys enjoy this video," dagdag pa ni Angge.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Mapapanood sa vlog kung gaano ka-hands on mommy at daddy sina Angge at Gregg sa kanilang panganay na si Baby Bean.

Samantala, nawindang naman ang mga netizen nang ipakita ni Angge ang isang napakalaking talong na gagamitin niya sa pagluluto ng kanilang dinner, na aniya ay walang binatbat sa talong ng mga Pilipino.

"Nakita n'yo naman ang kanilang eggplant, ang payat guys!" ani Angge.

"Walang-wala sa talong natin sa Pilipinas. Kaya gusto ko talaga Australiano eh," tila makahulugang sabi ng aktres.

Sey naman ni Gregg, ang tawag daw sa ganoong napakalaking eggplant ay "Aubergine."

Sa pagpapatuloy, ikinuwento ni Angge na alam daw ng kaniyang partner na bago niya ma-meet ito, ang gusto raw niyang makatuluyan ay Australiano.

"Alam 'to ni Gregg, bago ko siya ma-meet, ang gusto ko talagang makatuluyan, Australian. Feeling ko kasi cool silang mga tao..." ani Angge.

Dahil sa sinabi ni Angge tungkol sa talong sa Australia ay nabalikan tuloy ng mga netizen ang nasabi niya noon tungkol sa kaniyang "Tinder date," sa podcast ng direktor na si Antonette Jadaone, noong 2021.

MAKI-BALITA: Angelica, windang sa ka-‘Tinder date’ abroad: natakot sa nakitang ‘malaki’