Nagpahayag ng pasasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa mga Pinoy hinggil sa nataggap umanong mataas na satisfaction at trust rating ng Kamara sa isinagawang OCTA Research survey kamakailan.
Base sa lumabas umanong resulta ng survey ng OCTA noong Agosto 21, 54% ng mga Pinoy ang nasisiyahan sa performance ng Kamara habang 9% lamang ang hindi nasisiyahan.
Nasa 55% naman umano ang nagtitiwala sa Kamara habang 7% ang hindi nagtitiwala rito.
“I thank our people for recognizing the work we do at the House of Representatives for them and the nation under the Marcos administration,” pahayag naman ni Romualdez nitong Linggo, Setyembre 10.
“That will inspire us to push on and even work harder to remain worthy of their trust,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat din si Romualdez na pinahahalagahan umano ng publiko ang mga ginagawa niya at ng Kamara upang suportahan ang “prosperity agenda” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at gumawa ng paraan upang labanan ang inflation at pababain ang mga bilihin sa bansa.
“We have already made some headway, and we will carry on with those tasks with more vigor until we have achieved the goals we have set out to do,” aniya.
Sinabi rin ni Romualdez na tutugunan din nila ang “supply at production side” ng presyo ng mga bilihin sa aspeto ng pagsuporta sa agrikultura at iba pang kaugnay na sektor na may angkop na pondo sa national budget.
“Needless to say, if there is enough supply, we would not be having problems with prices,” saad ni Romualdez.