Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) na 52 examinees ang pumasa sa technical evaluation ng electrical engineers na isinagawa kamakailan.

Sa pahayag ng PRC nitong Biyernes, Setyembre 8, ibinahagi nito na ang naturang technical evaluation ay para sa pagiging Professional Electrical Engineers ng examinees.

Isinagawa umano ang pagsusulit sa pangunguna ng Board of Electrical Engineering sa National Capital Region (NCR) nitong Setyembre ngayong taon.

“The members of the Board of Electrical Engineering who conducted the Technical Evaluation are Engr. Francis V. Mapile, Chairman and Engr. Jaime V. Mendoza, Member,” saad ng PRC.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Inihayag din naman ng ahensya na magaganap ang pagpaparehistro para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa darating na Oktubre 9 hanggang 13, Oktubre 16 hanggang 20 at Oktubre 23, 2023.