Ipinaliwanag ng aktres at komedyanteng si Rufa Mae Quinto ang mga kahulugan sa likod ng kaniyang mga pamosong linyang.

Sa kaniyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda”, ipinaliwanag niya na sa buhay, kailangan mong itawid ang kung ano mang bagay na pinaniniwalaan mong maganda at tama kaya niya nasabi ang “Go, go, go!”

“‘Wag tayong tumigil. Parang ganun,” sabi niya pa.

Kasunod niyang ipinaliwanag ang “Go, go, goals”. Aniya, dapat magkaroon ng goals ang isang tao sa kaniyang buhay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Kahit na go with the flow tayo…kasi ako ganun, e… Kung ano ‘yung nandyan, ayusin ko, tapusin ko. Tapos, bukas iba na ‘yun. Or kung may ibang project, iba ‘yun. Dati kasi hindi ako ganun, e. Ngayon talagang maliwanag sa akin. Kasi distracted din, naghahanap ng lovelife, gusto nang magpamilya. Mga ganun.”

Samantala, sa huli naman niyang kasabihan na “Time is go, go, gold” nagkakaroon ng elemento ng Math.

“Lahat ng bagay may oras, may timing, ang araw, ang buwan,” sabi ni Rufa.

“Pero minsan, hindi mo timing. God’s timing.” singit naman ni Tito Boy.

Sinang-ayunan ‘yun ni Ruffa dahil sabi niya, mahirap pilitin ang bagay ‘pag alam mong ayaw.

Si Rufa Mae Quinto ay kasalukuyang bahagi ng Comedy Island, isang sketch series na mapapanood sa Prime Video. Makakasama niya sa nasabing series sina Jerald Napoles, Drew Arellano, Cai Cortez, at iba pa.