National

SP Chiz, Sen. Koko, at Sen. Raffy, pwedeng maging pangulo ng PH – Sen. Robin

Hindi na makapangisda ng mga Pinoy sa Scarborough Shoal na kilala rin bilang Bajo de Masinloc o Panatag Shoal dahil sa patuloy na pagbabantay ng China Coast Guard (CCG), ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar sa panayam sa radyo nitong Linggo, hindi na nakapapasok ng mga Pinoy sa lugar dahil sa presensya ng CCG at iba pang Chinese maritime militia.

“May mga lugar naman na nakakapangisda ang ating mga kababayan, pero hindi doon sa lugar na kung saan mas nasasabi nilang maraming isda, katulad sa Scarborough Shoal,” pahayag ni Aguilar.

“Nakapanghihinayang din pero tignan natin kung ano pa ang mga susunod na mangyayari kasi hindi naman tayo papayag na ganyan na lang palagi. Parang iniinsulto na tayo sa kanilang ginagawa na alam naman nila na walang basehan ang kanilang claim ng territory,” anang opisyal.

Matatandaang nagsampa ng kaso ang Philippine government sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2013 laban sa China kaugnay ng nine-dash line claim ng huli sa South China Sea (SCS).

Pinaboran ng hukuman ang Pilipinas noong Hulyo 2016 matapos nitong ibasura ang iginigiit na nine-dash line ng China.

Sa nasabi ring desisyon, itinuturing ng korte na common fishing ground ang Scarborough Shoal kasabay ng pagbabawal nito sa China sa pag-atake nito sa mga Pinoy na nangingisda sa lugar.