Magiging matatag na ang presyo ng bigas ngayong 'ber' months dahil nagsisimula na ang anihan ngayong Setyembre, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Linggo.

Sa pagtaya ng ahensya, nasa limang milyong metriko toneladang palay ang paunang ani ngayong buwan at sa Oktubre.

Aabot sa dalawang milyong metriko toneladang palay ang maaani sa huling bahagi ng Setyembre at tatlong milyong metriko toneladang palay ang maaani sa Oktubre.

National

SP Chiz, Sen. Koko, at Sen. Raffy, pwedeng maging pangulo ng PH – Sen. Robin

Puntirya rin ng DA na maabot ang produksyong 11 milyong metriko toneladang palay mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon.

Nauna nang inihayag ng ahensya na posible pa sanang maabot ang aning 20 milyong metriko toneladang palay hanggang Disyembre kung hindi dumaan ang sunud-sunod na bagyo sa bansa.

Kamakailan, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang rekomendasyon ng DA at Department of Trade and Industry na magtakda ng price ceiling sa bigas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo nito sa merkado.