Isang magnitude 6.0 na lindol ang yumanig malapit sa isla ng Indonesia sa Sulawesi nitong Sabado, Setyembre 10, ayon sa United States Geological Survey (USGS).

Sa tala ng USGS, nangyari ang lindol na may lalim na 9.9 kilometro dakong 9:43 ng gabi sa oras ng Indonesia (1443 GMT).

Sinabi naman ng Palu Search and Rescue Agency, na inulat ng Agence-France Presse, na wala pang naiulat na pinsala o nasawi dulot ng nasabing pagyanig.

Samantala, inihayag ng geophysics agency (BMKG) ng Indonesia na wala pa ring naitatalang posibleng tsunami, ngunit inabisuhan nito ang publiko na mag-ingat sa posibleng aftershocks ng lindol.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Madalas umanong nakararanas ng lindol ang Indonesia dahil nakaposisyon ito sa “Ring of Fire.”

Enero ng taong 2021 nang yanigin ng magnitude 6.2 na lindol ang Sulawesi island sa naturang bansa, kung saan mahigit 100 katao ang nasawi habang libo-libo ang nawalan ng tirahan.