Ibinahagi ng singer-actor na si Kyle Echarri ang mga larawan nila ni “Popstar Royalty” Sarah Geronimo-Guidicelli sa kaniyang Instagram account nitong Linggo, Agosto 10.

Ayon kay Kyle, natupad umano ang kaniyang pangarap nang makasama niya si Sarah sa stage ng ASAP Natin ‘To in Milan.

“Absolute dream come true to perform with my Coach @justsarahgph on the ASAP stage.”

Hindi rin maiwasang sariwain ni Kyle ang nakaraan noong siya ay isang hamak na tagapalakpak pa lang ni Sarah.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

“Crazy to think about 9 years ago I was just cheering her on while she was performing on this exact stage.”

Kaya naman lubos-lubos ang pagmamahal at pasasalamat ni Kyle sa “Popstar Royalty”.

“Love you forever Coach thank you for everything.”

Matatandaan na naging coach ni Kyle si Sarah sa season 2 ng “The Voice” sa ABS-CBN noong 2015 kung saan napabilang siya sa Top 6.