Nagbigay ng mensahe ang aktres na si Kristine Hermosa-Sotto para sa kaniyang kaarawan nitong Sabado, Setyembre 9.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ng aktres na kung sino at ano man siya ngayon iyon ay dahil sa regalo ng Diyos.

“All that I am and all that I have are entirely gifted by my heavenly Father… 🙏🏻❤️

I am certain now that the wisest decision I made in my life was to completely obey Him,” pahayag ni Kristine sa caption ng post.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Kaya nama pinapasalamatan niya ang Diyos para sa pagbibigay sa kaniya ng mga tao na nagsisilbing gasolina niya sa lahat ng oras.

Bukod diyan, inamin din ni Kristine ang kaniyang tunay na edad.

“Yes, I’m officially 40! 😱 (so blessed to have made it in this ever changing world🙏🏻)

Now, I shall take my time, bask on every God given moment and continue to be like Jesus.❤️🙏🏻”

Hindi naman makapaniwala ang ilang netizen sa naging rebelasyon ng aktres.

“Still the goddess that you are. You look amazing. Parang Hindi ka nanganak!”

“Happy Birthday Kristine, you don’t age🥰❤️ parang Pangako sa yo face pa rin❤️ God bless you 🥰🙏”

“Happy birthday prang 25 lng eh😍”

“Happy Birthday sa babae na walang kupas ang beauty”

Sa huli, nagpasalamat at nagpahayag ng pagmamahal si Kristine sa kaniyang asawa at mga anak.

Nakilala si Kristine Hermosa dahil sa sikat na teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” noong 2000 sa ABS-CBN kung saan niya nakapareha ang aktor na si Jericho Rosales. Ginampanan ng dalawa ang karakter nina “Yna” at “Angelo”.