Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng hapon, Setyembre 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:42 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 399 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental na may lalim na 148 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.