Hayagang sinabi ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na bago raw niya makilala ang partner at ama ng anak na si Baby Amila Sabine, mas bet niya sanang makatuluyan ang isang Australian national.

Nangyari ito nang ipakita ni Angelica sa kanilang latest vlog ang isang napakalaking talong sa Australia, nang magluluto na siya ng dinner nila.

"Walang-wala sa talong natin sa Pilipinas. Kaya gusto ko talaga Australiano eh," tila makahulugang sabi ng aktres.

Sey naman ni Gregg, ang tawag daw sa ganoong napakalaking eggplant ay "Aubergine."

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

MAKI-BALITA: Talong sa Australia flinex ni Angge: ‘Kaya gusto ko talaga Australiano eh!’

Sa pagpapatuloy, ikinuwento ni Angge na alam daw ng kaniyang partner na bago niya ma-meet ito, ang gusto raw niyang makatuluyan ay Australiano.

"Alam 'to ni Gregg, bago ko siya ma-meet, ang gusto ko talagang makatuluyan, Australian. Feeling ko kasi cool silang mga tao..." ani Angge.

Sa Australia daw kasi, hindi sobrang workaholic ang mga tao at may oras pa para magsaya. Maagang nagsasara ang mga store para naman makapag-happy-happy pa ang lahat.

"Masayahin lang sila, kasi dito sa Australia maagang nagko-close yung mga shops, like 4PM, 5PM sarado na... then maaga silang gigising, magse-serve sila, pagkatapos ng work, magse-serve sila o magpa-party sila, parang they value their mental health... their fun... so for me, cool 'yon ah... kasi sa atin sa Pilipinas mga alipin tayo ng trabaho. Nakakalimutan na natin mag-enjoy..."

Nasa Sydney, Australia ang mag-anak na Homans para ipagdiwang ang Father's Day doon.