Walang nadamay na Pinoy sa malakas na pagyanig sa Morocco na ikinasawi ng halos 300 katao nitong Biyernes ng gabi, ayon sa pahayag ni Philippine Ambassador to Morocco Leslie Baja nitong Sabado.
Sa isang text message, sinabi ni Baja na patuloy pa rin nilang binabantayan ang sitwasyon.
“An earthquake with a magnitude of 6.9 occurred about 82 kilometers southwest of Marrakech. Embassy people are okay. We are checking the situation of the Filipino community,” ani Baja.
Nauna nang naitala ng United States Geological Survey na umabot sa magnitude 6.8 ang lindol na naganap dakong 10:11 ng gabi.
National
SP Chiz, Sen. Koko, at Sen. Raffy, pwedeng maging pangulo ng PH – Sen. Robin
Sa ulat ng Interior Ministry ng Morocco, aabot na sa 296 ang nasawi habang nasa 153 ang nasaktan sa pagyanig.