Ipinagtanggol mismo ng aktres na si Kathleen Hermosa ang kaniyang kapatid na si Kristine Hermosa-Sotto mula sa bashers na nagsasabing sinapawan at tinalbugan siya nito sa mismong araw ng kaniyang kasal.
Kahit matagal nang naganap ang kaniyang kasal, ngayon lamang binasag ni Kathleen ang kaniyang katahimikan hinggil sa mga nagtataas ng kilay sa kaniyang kapatid, na kesyo kinuha raw nito ang spotlight na para sa kaniya dapat. Mas pinag-usapan pa kasi ang kaniyang looks kaysa sa mismong bride.
View this post on Instagram
Kaya naman, hindi na nakapagtimpi si Kathleen sa komento ng isang basher na hindi man lang daw sinimplehan ni Kristine ang postura niya sa araw ng kasal ng kapatid.
Sey ng basher, "Hindi man lang sinimplehan ni Kristine tinalbugan ang Ate. Gusto lagi mas maganda siya sa lahat. Be simple and be humble your Christian na inday."
Hindi marahil nakapagtimpi si Kathleen dahil pati ang pagiging Christian ni Kristine ay idinawit pa.
Resbak ni Kath, "Let me reply to this. This may help you beautiful women to grasp the whole concept of beauty."
"In sisterhood, walang talbugan, we lift each other up. In my wedding, I explicitly made sure everyone was at thier best. Especially my Matron of Honor and all bridesmaids and groomsmen too! Ninongs and Ninangs too. And my flower girls and little boys!! Everyone!!"
"Let's practice seeing beautiful things rather than the ugly thoughts shall we?"
"Christians are cleansing the heart because what we store in our hearts---it soons radiates and bless others."