Nagbabala ang social media personality na si Rendon Labador sa publiko hinggil sa pekeng social media pages na naglipana ngayon online na ginagamit ang kaniyang pangalan.
Matatandaang burado na ang opisyal na Facebook account ni Labador matapos itong makaranas ng "mass reporting."
Giit ni Labador, wala na siyang Facebook at Messenger accounts kaya huwag maniwala ang publiko sa mga naglalabasang pages ngayon na may pangalan niya.
"Ingat po kayo sa mga fake pages na kumakalat ngayon, baka magalit sa pananamantala sa aking sitwasyon," babala ng social media personality.
"Kaya kung meron man mga lumilitaw na "new Facebook pages" ngayon at new TikTok accounts, HINDI PO AKO 'YAN. Mag-ingat po kayo! Maraming salamat! #staymotivated," aniya.
