Kaugnay ng pagkawala ng kaniyang social media platforms at pati na rin sa hindi pagkagamit ng kaniyang email, sinabi ng "man of the hour" na si Rendon Labador na sa palagay niya, kawawa ang Pilipinas kung wala siya sa social media at hindi makasisita ng mga personalidad na sa palagay niya ay kasita-sita.

Sa latest update ni Labador, disabled na rin ang kaniyang email sa Google dahil sa may nag-report sa kaniya sa isyung "child being sexually abused or exploited."

Nagtataka si Labador kung saan nanggaling ang nabanggit na complaints.

"Kahit ano na lang basta may maireport?" ani Labador sa kaniyang Instagram story.

"Kawawa talaga ang Pilipinas kung wala ako," dagdag pa niya.

Metro

Lalaking umakyat sa tuktok ng LRT-2 Antipolo Station, na-rescue na!

Photo courtesy: Rendon Labador's IG

"Hindi na tama 'yan. Hindi na reasonable ang dahilan ng mga pagrereport ninyo. Pati email banned na ako," aniya pa.

Napag-alaman ni Labador na 30+M ang nagreport sa kaniyang account.

"Bakit ngayon lang kayo naglabasan?" dagdag pa ng social media personality.