Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

Inumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sabay-sabay na pamamahagi ng financial assistance sa mga rice retailer sa Quezon City, Caloocan at San Juan na apektado ng mandated price ceiling.

Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang distribusyon ng cash assistance sa Commonwealth Market sa naturang lungsod nitong Sabado ng umaga.

Namahagi rin ng kahalintulad na cash aid sa Maypajo Market sa Caloocan at Agora Market sa San Juan City.

Ang hakbang ng ahensya ay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ayudahan ang mga micro rice retailer na direktang tatamaan ng ipinatutupad na price cap.

Kabilang sa binigyan ng ₱15,000 cash assistance ang mga tinukoy ng Department of Trade and Industry (DTI) na kwalipikadong retailer.