Inanunsiyo kamakailan ng aktres na si Matet De Leon sa kaniyang Facebook page ang tungkol sa kaniyang mental health condition at ang hinaing sa kalagayan ng mga kagaya niya.

“I have bipolar disorder. I’m a pwd. Hindi halata? Kaya pala pinag titinginan ako kanina sa isang supermarket. Kinalabit pa ako ng isang babaeng yayamanin at pinapalipat ng lane. Hiyang hiya ako. Pati sa sarili ko..“ saad ni Matet sa kaniyang Facebook page.

Ayon sa kaniya, pumila raw kasi siya sa People With Disabilities o PWD lane. Wala naman siyang kasunod na senior citizen o may visible disability kaya nagdesisyon siyang doon pumila kung saan siya nararapat.

“Ang hirap ng kalagayan naming may mental health issues na hindi nakikita ng iba.. Sanay sila na ang may mental illness, nagtutulo ng laway o nagsasalita mag isa. Sana sa lahat ng makakabasa nito, mag ingat. Guys, hindi madali ang malagay sa sitwasyon namin. Sana din huwag nang paabutin sa kailangan na naming isabit id namin sa leeg . 😞 Sana huwag nang pabigatin pa ng iba,” dagdag niya pa.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

May mensahe rin si Matet sa mga kagaya niya na may mental health issues. Kung kaya naman umanong magtiis, paunahin na muna ang matatanda at ‘yung mga nahihirapan talagang pumila.

“At sa mga kagaya ko, na kaya naman magtiis ng sandali, paunahin ang matatanda at yung talagang makikita ninyong hirap nang pumila. Yun lang.”

Si Matet ay anak nina “King of Philippine Drama” Christopher De Leon at “National Artist for Film and Broadcast Arts” at “Superstar” Nora Aunor.