Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na patuloy na umiiral ang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon, ngunit mahina umano ang magiging epekto nito sa loob ng 24 oras.
Sa tala ng PAGASA bandang 4:00 ng umaga, may tiyansang makaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng habagat o localized thunderstorms.
Posible umano ang pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.
Dahit mahina ang epekto ng habagat sa kasalukuyan, inaasahang magiging maaliwalas ang panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa buong maghapon, ayon sa PAGASA.
Mababa naman umano ang tiyansang magiging bagyo sa susunod na 24 hanggang 48 oras ang mino-monitor ng PAGASA na kumpol ng kalupaan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).