Nagpa-tattoo ang aktor na si Elijah Canlas para sa namayapa niyang kapatid na si JM Canlas.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Elijah ang ilang mga larawan ng pagpapa-tatto niya kasama ang kapatid at iba pa nilang pamilya para kay JM.
“Remember when you’d always joke about wanting to get a full sleeve of tattoos, JM? Tapos sasakyan ko yung pagbibiro mo kay mom until she gets pissed and tells us to not go home if we do push through with it,” mensahe ni Elijah kay JM sa nasabing post.
“Guess what? Kuya Jerom and I just got tatted today. We even brought Iya with us. Mom’s fine with it now. She actually wants to get one herself. Even Dad wants to get tatted now.”
Ipinakita rin ng aktor sa nasabing post ang kaniyang tattoo na may korteng “thumbs up” na paborito daw na pose ni JM nang nabubuhay pa ito.
“Your favorite thumbs up pose with your name enlaced on it designed by ate Zia. Our cousins also got the same design marked on them. Matching kami lahat,” ani Elijah.
“I want you with me forever and always. We all do… Thank you for being my strength. I miss you so much it hurts. Pero kaya ito ni kuya. Kaya namin ito. We love you more than anything, JM! Habang buhay. Habambuhay,” saad pa niya.
Matatandaang Agosto 3, 2023 nang inanunsyo ng isa pang kapatid ni JM na si “Jerom Canlas” ang pagpanaw ng kanilang kapatid sa edad na 17.