Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan tinanong ng “Asia’s King of Talk” ang dalawang “Royal Blood” star na sina Dion Ignacio at Lianne Valentine tungkol sa kanilang proseso sa pag-arte.

Si Lianne ang unang nagbahagi. Ayon sa kaniya, isinusulat niya umano ang backstory ng kaniyang karakter upang magampanan nang mahusay ang pagiging mature ni “Beatrice Royales” kahit 22 taong gulang pa lang siya sa totoong buhay.

“Yes, Tito Boy. I have a journal, actually, for Royal Blood. So noong nakuha ko ‘yung script ko, sabi ko gagawan ko siya ng sarili niyang mundo,” sagot ni Lianne.

Samantala, ayon naman kay Dion, binabasa umano niya ang buong script para makabisado hindi lamang ang kaniyang karakter kundi pati ang mga ginagampanan ng mga co-actor niya.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

“Para alam ko kung paano ako mag-react sa mga co-actors ko. So ‘yun. Ta’s ako naman, hindi  ko naman ini-sketch pero parang tinatanim ko lang sa isip ko…‘yung mga characteristic ng characters ko,” saad ni Dion.

“‘Yan ang istilo ni Mr. Tom Hanks!” bulalas ni Tito Boy.

Sinundan ‘yon ng pag-wow ni Lianne. Pagkatapos, inilahad ni Tito Boy ang proseso ng mga Hollywood celebrity na may pagkakahawig sa ginagawa ni Lianne gaya nina Meryl Streep at Viola Davis na hinahalukay ang backstory ng mga character nila.

Kasalukuyang ginagampanan ni Lianne ang karakter ni “Beatrice” na other woman ng karakter ni Dion na si “Andrew Castor” sa Royal Blood. Kasama nila sa nasabing serye ang mga artistang gaya nina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, Mikael Daez, Megan Young, at iba pa.