Malungkot na humarap sa kaniyang Facebook video ang aktor at vlogger na si Kiko Matos nitong Biyernes, Setyembre 8, para magpaabot ng pakikiramay sa pagkawala ng buong social media account ng self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador.

Ayon kay Kiko, mahirap umano para sa isang content creator na mawalan ng platform na gaya ng Facebook.

“Bilang isang content creator, mahirap po ang mawalan ng isang plataporma tulad ng Facebook sa social media. Tila baga parang isang bangungot; isang panaginip na sana magising ka na lang kapag nangyari ‘to.“ pahayag niya sa nasabing video.

“Kaya ako mismo, hindi ko nanaisin ang pagkawala ng social media ng kahit kanino man na kapuwa content creator,” dagdag pa ni Kiko.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Pero sa huli, biglang kumambyo si Kiko sabay mura kay Rendon at sinabing buti nga sa kaniya.

“Real talk! Buti nga nawala ‘yung Facebook mo, ha! Stay motivated ka pang nalalaman. ‘Yan tuloy, na-motivate ng motivational rice mo ang taumbayan para ma-demotivate ‘yung Facebook page mo. Buti nga sa ‘yo! Akala mo kung sino kang perpekto!” panunuya ni Kiko.

Matatandaan na noong 2021, sinapak ni Rendon si Kiko sa basketball match nito laban sa YouTuber na si Jonah Jacob ng Brusko Bros kung saan naging commentator si Kiko dahil umano sa pang-aasar ng huli habang naglalaro si Rendon.

Ang nasabing insidente ang naging dahilan para magharap ang dalawa sa isa ring basketball match na pakana ng isa ring vlogger na si Makagago na tinawag na “Battle of the YouTuber”.