Kaabang-abang ang bagong yugto ng seryeng "FPJ's Batang Quiapo" na nasa "new era" na.
Inilabas ng Dreamscape Entertainment ang full trailer ng serye na nasa season 2, sa kanilang opisyal na Facebook page nitong araw ng Sabado, Setyembre 9.
Dito ay makikita na ang ilang mga eksenang dapat abangan sa serye, na iikot sa magiging buhay ni Tanggol (Coco Martin) sa kulungan.
"Sa pagsisimula ng BAGONG YUGTO, babaligtad ang kanilang mga MUNDO! đ„," saad sa caption.
"Sa loob ng kulungan, mas titindi ang kanyang LABAN đđ» Mababawi pa ba ang pag-ibig na pinakawalan?"
Pasok na rin sa serye ang nagbabalik-Kapamilyang si Jaclyn Jose, at ang sinasabing bagong "babae" sa buhay ni Tanggol na isasabuhay ni Ivana Alawi.
Mukhang mapapasabak sa aksyon si Ivana dahil magiging ka-riding in tandem niya rito si Tanggol para sa kanilang bagong trabaho bilang "hit man."
Grabe dahil bukod sa trending na "higupan scene" nina Coco at Lovi, mukhang pag-uusapan din ang laplapan dito nina Coco at Ivana. Bukod diyan, may steamy scenes din sila, kakaloka!
Anyway, abangan na lang ng mga manonood at tagasuporta ang mga bagong magaganap sa serye.