Maraming netizen ang naaliw sa Facebook post kamakailan ng netizen na si John Raven C. Ramos kung saan makikita ang kaniyang ulam na marshmallow.

“Wala ng budget kaka checkout buti na lang may natira pang marshmallow pang ulam,” saad ni Raven sa caption.

Humakot ng samu’t saring komento ang naturang post.

"Pag gipit na gipit na siguro ako magagawa ko na to?"

Human-Interest

#BalitaExclusives: Si Daisy Veraces, ang mother na construction worker

"2 in 1 ulam/dessert"

"Wag sana ako umabot sa ganto ??"

"Everyday check out kc sa 70% na yan ???"

"Ung Wala ka na maulam ng dahil sa 70 ?"

"Check out lang ng check out habang may 70% off ??"

Sa eksklusibong panayam sa kaniya ng Balita, ang 70% discount umano ng Shopee ang dahilan kung bakit niya naisip na iulam ang marshmallow. Halos maubos na raw kasi ang pera niya sa kaka-check out.

“Kakain na dapat po ako then may 2 bagay akong naisip which is yung promo po ni Shopee na 70% voucher discount and 'yung uulamin ko sana.”

Mas prefer umano ni Raven ang online shopping kaysa direktang bumili sa mga tindahan.

“Less hassle sa mahabang pila, gas, at minsan kakain pa sa labas after mamili,” paliwanag niya. 

Nagsimula siyang magkaroon ng interes sa online shopping noong pandemya. Bukod pa riyan, isa rin siya sa mga naging Brand Ambassador ng official buyer community group ng Lazada na Lazada Peers PH.“With the help of this role, mas na-motivate pa akong tumulong sa kapwa ko buyers on how they can save, how to use the apps, update them on the new features, give discounts and sometimes may nakikipag-collab na brands.”

May mensahe rin siya para sa mga kapuwa niya online seller. Aniya, ipagpatuloy lang daw nila kung saan sila masaya.

“Sa pagchecheckout kasi natin thru online shopping masasabi ko kasing mas nababawasan ang stress natin sa buhay lalo ako independent person and with the help of these online shopping apps they offers stackable vouchers at big discount offers gaya ngayong 9.9 sale.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, mayroon nang 110k reactions at 22k shares ang nasabing post ni Raven.