Nagbigay na ng reaksiyon ang Kapuso star na si Bea Alonzo sa isyung pinagbitbit lang daw siya ng birthday cake ni Kyline Alcantara, na nagdiwang ng kaniyang kaarawan sa Sunday musical variety show na “All-Out Sundays” o AOS ng GMA Network noong Linggo, Setyembre 3.

Hindi raw kasi “nakaka-reyna” ang pagbitbit ni Bea ng cake ni Kyline, gayong naroon naman daw ang iba pang lalaking hosts gaya nina Rayver Cruz at Mavy Legaspi. Nangyari ito pagkatapos daw ng birthday prod ni Kyline.

Ayon sa entertainment Facebook page na “Philippine Entertainment,” marami sa mga netizen ang tila nawindang sa ginawa kay Bea lalo’t tinatawag pa naman itong “Movie Queen” at “Box-Office Queen.”

Maging sa Facebook page na “Certified Kapamilya” ay naitampok din ito.

'Di nakaka-Movie Queen!' Bea pinagbitbit lang daw ng cake sa AOS

Mababasa sa caption, “This Generation’s Box Office Queen (courtesy of ABS-CBN and Star Cinema), pinaghawak lang ng birthday cake, sa isang GMA show. No other pa-comments.”

Sabi pa sa ulat, halatang nangangalay na raw si Bea sa pagbitbit sa nabanggit na cake.

“Hindi nakaka-box-office queen ang treatment. Ayusin n’yo naman AOS!” ayon umano sa post ng isang netizen sa X.

Marami naman ang pumuri sa ipinakitang humility ng isa sa mga pinakasikat at star na artista sa henerasyong ito.

Ayon naman kay "DJ Jhaiho" ng YouTube channel na "Marites University," eksklusibo niyang natanong si Bea tungkol dito.

Unang reply daw ni Bea sa kaniya ay "Hahahaha" meaning eh tinawanan lang nito ang isyu.

"Hahahaha. Ngayon ko lang nakita," ani Bea.

Mukhang hindi raw aware ang aktres na may ganito palang isyu sa kaniya.

Sabi raw ni Jhaiho, grabe ang mga tao ngayon dahil ultimo paghahawak niya ng cake sa GMA ay pinulaan pa.

"Hahaha. True. Naaawa kasi ako kay Kyline (Alcantara) na hindi niya mahawakan yung microphone niya kaya kinuha ko na lang yung cake para makapag-thank you naman siya sa mga sponsors niya."

Pinuri naman nina Jhaiho at co-hosts ang naging pagsagot ni Bea, na nakaka-Queen daw.