“But for this particular resupply mission, it has been very clear that the Chinese Maritime Militia are performing active role to block the resupply mission,” ani Tarriela.
Sa kabila ng pangha-harass ng mga barko ng Chinese Coast Guard (CCG) at CMM, naisakatuparan pa rin ng pamahalaan ang RoRe mission nito sa BRP Sierra Madre.
Kabilang aniya sa apat na CMM vessel ang Qiong Sansha Yu 00231, 00115, 00114 at 00008, na sinasamahan ang apat na barko ng CCG.
Kamakailan, kinuwestiyon ng Pilipinas ang pananatili ng mga Chinese vessel malapit sa Philippine features sa West Philippine Sea (WPS), kabilang na ang Julian Felipe Reef, dahil ito ay nasa 200 nautical-mile (mahigit 370 kilometro) ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Matatandaang inamin na ng China ang pananatili ng mga Chinese vessel sa lugar at sinabing nangingisda lamang ang mga ito.