Binalaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko dahil apektado pa rin ng red tide ang limang coastal areas sa Visayas at Mindanao.
Sa abiso ng BFAR, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide ang Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan; Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan, Aklan); coastal waters of Panay; Pilar; President Roxas; and Roxas City in Capiz.
Probinsya
Kapilya ng INC sa Quezon, pinasabugan ng bomba; suspek, gumagamit umano ng iligal na droga
Apektado rin ng red tide ang coastal waters nig Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from (these areas) are not safe for human consumption,” ayon sa BFAR.
Ligtas namang kainin ang mga nahuhuling isda, pusit at alimango sa mga nasabing lugar at dapat na linisin nang husto bago lutuin.
PNA