Tila isa-isa nang nawawala ang mga social media account ni Rendon Labador dahil maging ang kaniyang email ay burado na rin.

Ibinahagi ni Labador ang pagkabura ng kaniyang google account sa Instagram story nitong Biyernes, Setyembre 8.

Aniya, saktong alas-12 ng tanghali nang makatanggap siya ng notification na na-disable ang kaniyang email.

“Binura na rin ako ni Google. Kahit email bawal na rin ang Rendon Labador?” saad nito.

TikTok account ni Rendon, burado: 'Mali ba ang pagboboses para sa bayan?'

Sa sumunod na IG story nagtataka si Labador dahil na-report ang account niya dahil sa umano’y “child sexual abused or exploited,” na isa sa mga pinagbabawal ng Google.

“Saan kaya ito? Hindi nga ako nag-uupload sa YT ng video matagal ng panahon or kung saan Google man yan… may nag-complain pa rin? Baka nagkakamali kayo ng report,” saad ni Labador.

“Kahit ano na lang basta may ma-report?” dagdag pa niya sa sumunod na IG story. “Kawawa talaga ang Pilipinas kung wala ako.”

Samantala, sinabi rin ng social media personality na hindi na reasonable ang mga dahilan ng mga nagre-report sa kaniya.

“Hindi na tama yan. Hindi reasonable ang mga dahilan ng mga pagrereport ninyo. Pati email banned na ako,” ika niya.

Noong Agosto, naunang burahin ng TikTok ang account ni Labador.

Maki-Balita: TikTok account ni Rendon, burado: ‘Mali ba ang pagboboses para sa bayan?’

At nito lamang Setyembre 7, tinuluyan na rin ng Meta na burahin ang kaniyang Facebook account.

Maki-Balita: ‘Tinuluyan ng Meta!’ FB account ni Rendon Labador burado na

https://balita.net.ph/2023/09/07/tinuluyan-ng-meta-fb-account-ni-rendon-labador-burado-na/