Ginunita ng United Kingdom ang unang anibersaryo ng kamatayan ni Queen Elizabeth II nitong Biyernes, Setyembre 8.

Sa ulat ng Agence-Fance Presse, inalala ni King Charles III, 74, ang “great affection” ng publiko para sa buhay ng kaniyang ina at sa serbisyo publiko nito.

Nagpasalamat din si King Charles sa suporta umanong natatanggap niya sa kaniyang unang taon bilang monarch.

"I am deeply grateful, too, for the love and support that has been shown to my wife and myself during this year as we do our utmost to be of service to you all," ani King Charles.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Matatandaang nasawi si Queen Elizabeth noong Setyembre 8, 2022, sa edad na 96, dahil sa karamdaman.

Nito lamang namang Mayo 2023 nang maganap ang koronasyon nina King Charles at Queen Camilla. Personal itong dinaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ibang pang mga opisyal sa bansa.

MAKI-BALITA: PBBM: ‘Nawa’y maghatid koronasyon ni King Charles III ng kapayapaan, pag-unlad’