“Saan ako nagkamali? 😭”

Kinaaliwan sa social media ang isang tatay na nag-uwi ng sandok matapos siyang pakisuyuan ng kaniyang anak na bumili ng “panghalo sa sinigang.”

“Sabi makisuyo po ako kung nasa palengke kayo. Pakibili naman po ako ng panghalo sa sinigang. Binili mo na ng sandok, natanga pa ako😭. Gulay, hindi sandok. Ang linaw naman ng sinabi, panghalo. Saan ako nagkamali 😭,” caption ng tatay na si Jeg Alix sa kaniyang Facebook post.

Sa panayam ng Manila Bulletin, kinuwento ni Alix na “honest mistake” daw talaga ang nangyari, at sandok ang agad na naisip niyang panghalo ng sinigang sa halip na gulay.

National

VP Sara, pinasalamatan imbestigasyon ni Sen. Imee sa ‘pagdukot’ kay FPRRD

“Dahil medyo puyat nang tumawag ang anak ko, magluluto daw siya, wala siyang panghalo, ang sumaksak sa isip ko sandok,” ani Alix sa MB.

“Ang linawin mabuti ang inuutos. Marami din ang nalinawan sa panghalo at sa panglahok o pangsahog,” pabirong mensahe rin niya sa kaniyang anak.

Samantala, inihayag din ni Alix na bilang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) head sa Noveleta, lagi raw siyang nagpo-post sa Facebook ng pag-abiso sa baha tuwing masama ang panahon. 

Dahil dito, masaya na rin daw siya dahil marami ang naaliw sa kaniyang post tungkol sa panghalo ng sinigang.

Habang isinusulat ito’y umabot na sa mahigit 150,000 reactions, 4,300 comments, at 8,900 shares ang naturang post ni Alix.

Narito ang ilang komento ng netizens:

“Oo nga nman dapat sinabi sayo mga sangkap.”

“Kahit ako sandok din siguro mabibili ko hahahaha.”

“Masarap po Yan pang halo.”

“Witty! hahaha.”