Kaagad na pinagana ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang inter-agency task force (IATF) kasunod ng natanggap na bomb threat nitong Biyernes ng madaling araw.
Sa pahayag ng DOTr, ang nasabing bomb threat ay ipinadala sa pamamagitan ng electronic mail dakong 5:17 ng madaling araw.
Probinsya
Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente
Tinukoy ng DOTr ang isang "Takahiro Karasawa" na nagpadala ng pagbabanta sa isang Mercedita Irene Tayag.
Nagpakilala umano itong isang abogadong Hapon.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.
Itinuloy na ng pamunuan ng MRT-3 ang kanilang operasyon sa kabila ng nasabing insidente.
"We are taking the necessary precautionary measures to ensure the safety and security of the riding public," panawagan naman ng Malacañang.
"We appeal to netizens to refrain from circulating and sharing unverified information so as not to cause undue panic.
The task force would like to assure commuters that we are taking all actions to ensure safe and secure travel in all public transport systems," dagdag pa nito.
May dagdag na ulat ni Martin Sadongdong