Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Biyernes ng madaling araw, Setyembre 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:20 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 280 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island ng Sarangani, Davao Occidental na may lalim na 149 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Malungon, Sarangani.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.