₱15,000 cash aid, ipamamahagi na sa small rice retailers sa NCR sa Sept. 9

(PNA File Photo)
₱15,000 cash aid, ipamamahagi na sa small rice retailers sa NCR sa Sept. 9
Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng tig-₱15,000 cash assistance sa small at micro rice retailers sa apat na lungsod sa Metro Manila sa Sabado, Setyembre 9.
Ang naturang hakbang alinsunod na rin sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya.
“Ang DSWD ay handang-handa na para mag-payout. Nandiyan ang pondo at naitabi na namin,” katwiran naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa panayam sa radyo nitong Biyernes.
Isasagawa ng DSWD at Department of Trade and Industry (DTI) ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilihan ng Quezon City, Caloocan City, San Juan City at Manila.
Nauna nang tiniyak ng DSWD na bibigyan nila ng ayuda ang mga rice retailer na apektado ng mandated price ceiling sa bigas sa bansa.