Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Nakumpiska ng mga miyembro ng Cagayan Anti-Illegal Logging Task Force (CAILTF) ng mga tinistis na kahoy sa Pamplona nitong Martes.

Nasa 35 piraso ng common hard wood o 139.9 board feet ang inabandona sa bulubunduking bahagi ng Sitio Zimigi.

Sa pahayag ni Forester Haygie Ramento Hidalgo ng CAILTF, regular na nagsasagawa ng monitoring ang kanilang grupo sa kanilang nasasakupan sa iba’t ibang bayan nang makita ng grupo ang inabandonang mga tinistis na kahoy.

Kaagad namang hinakot ng grupo ang mga kahoy at dinala sa Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) para sa kaukulang disposisyon.

Kaugnay nito, nasamsam din ng Task Force ang 18 na piraso ng Narra lumber na may volume na 153 board feet sa Brgy. Sisim sa Peñablanca nitong Setyembre 5.

Sa ulat ni Forester Mario Abana, Division Chief ng Biodiversity and Management ng PNREO, nagsagawa ng surveillance ang grupo makaraang makatanggap ang mga ito ng impormasyon na ipupuslit ang nasabing kahoy sa nasabing lugar.

Ikinasa kaagad ng task force ang operasyon at natagpuan ang dalawang kolong-kolong na inabandona na lamang sa naturang lugar.

Hindi pa madetermina ng mga awtoridad ang halaga ng mga nasamsam na illegal na kahoy.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang kaso.