Patuloy na makaaapekto ang mahinang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 7, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA bandang 4:00 ng umaga, malaki ang tiyansang makaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Batanes at Babuyan Islands dulot ng habagat.
Maaari umanong magkaroon ng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Samantala, posibleng magkaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang biglaan at mga panandaliang pag-ulan, pagkidlat at pagkulot sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng habagat o localized thunderstorms.
Pinag-iingat din ang mga residente rito sa posible umanong pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.
Ayon pa sa PAGASA, paagdating ng Linggo, Setyembre 10, ay maaari pa rin umanong makaapekto ang mahinang habagat sa kabuuan ng Luzon.