“I am directing regional and district offices of the LTO to heighten measures and operations against these out-of-line public utility vehicles. Dapat masuyod at tuluyang masawata ang operasyon ng mga colorum na ito sa inyong mga lugar na nasasakupan," sabi pa ni Mendoza.
Bukod sa dalang panganib sa mga pasahero, apektado rin ng operasyon ng colorum ang kita ng mga lehitimong driver ng PUV.'
“Hindi basta-basta ang kalaban na ating susugpuin dahil sanga-sanga na ang kanilang operasyon kaya’t kailangan na natin ng tulong ng ibang ahensya," dagdag pa ni Mendoza.