“Despite all the hate and distractions…”

Nagbigay ng mensahe ang basketbolistang si Kai Sotto hinggil sa kaniyang naging karanasan sa 2023 FIBA World Cup bilang bahagi ng koponan ng Gilas Pilipinas.

Sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Setyembre 6, nagbahagi si Sotto ng mga larawan ng ilang mga tagpo tungkol sa laban ng Gilas kontra sa koponan ng iba’t ibang mga bansa.

“From dreams, to reality! People who never wore this Pilipinas jersey will never understand the difficulties, pressure, and the sacrifices we made. But also can't compare to the fun and joy we experienced after it all ended,” ani Sotto sa naturang post.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagpasalamat din si Sotto sa lahat ng basketball fans na nagpaabot umano ng suporta sa kanilang koponan.

“Thank you PILIPINAS! Your support was truly felt and it gave us more strength during the worldcup,” saad ng basketball player.

“What an experience for me, despite all the hate and distractions, I still got a lot of positives from all of this,” dagdag pa niya.

Samantala, ibinahagi rin ni Sotto na bata pa lamang siya ay pinapangarap na niyang makapaglaro sa FIBA World Cup, kaya’t proud daw siya na naging bahagi na siya nito ngayong taon.

“Little Kai thought this worldcup would be the peak basketball that i would play in, but now after all of it, I'm confident and excited to say there's still way more to it along the way,” ani Sotto.

“I hate talking about the future but this time I'm looking forward to it, Pilipinas is only gonna get better‼️🇵🇭,” saad pa niya kasama ang hashtag na #markmywords.

Matatandaang natapos ang laban ng Gilas sa FIBA World Cup kamakailan sa record na 1-4 matapos makakuha ng isang pagkapanalo nang tambakan nila ang koponan ng China.

MAKI-BALITA: Gilas Pilipinas, tinambakan ang China

Dahil dito, naging top-24 ang Gilas mula sa 32 participating countries, at may pagkakataon pa silang makasungkit ng ticket sa 2024 Paris Olympics sa pamamagitan ng FIBA ​​Olympic Qualifying Tournament (FOQT).