Marami ang naantig sa post ng netizen na si Ronald Lascano, 52, mula sa Sampaloc, Manila, tampok ang isang jeepney driver na may kasamang aso sa pamamasada.
âIsang driver ng jeep kasama ang aso sa pagbibiyahe. Bait naman ni kuya sa alaga nilang aso, sana lahat pamilya ang turing sa aso natin aspin man o hindi,â ani Lascano sa kaniyang Facebook post.Â
Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Lascano na papunta siya sa Manila City Hall noong Lunes, Setyembre 3, 2023, nang masakyan niya ang minamanehong jeep ng tsuper habang katabi nito ang kaniyang aso.
Bilang fur parent ng anim na aso, agad daw naantig si Lascano sa nasabing jeepney driver kayaât kinuhanan niya ito ng larawan at ibinahagi sa Facebook group na âSPAR RESCUE OPEN GROUPâ upang magsilbi ring inspirasyon sa iba.
âPag ang tao mapagmahal sa hayop, mabait siya, at pamilya ang turing niya sa alaga niya,â ani Lascano.
âNatutuwa ako kay kuyang driver kasi marami akong aso at hilig ko rin ang magpakain ng stray dogs. âPag wala akong magawa at may kaunting pera, papakainin ko aso sa labas. Isa rin po ako sa mga nagdo-donate sa mga shelter. If may kaunting sobra sa wallet ko, hinahati ko âyan sa ibaât ibang rescuers,â saad pa niya.
Sinabi rin ni Lascano na umaasa siyang dahil nag-viral ang kaniyang post tungkol sa jeepney driver ay mas dumami pa ang magkaroon ng malasakit sa mga aso sa lansangan.
Habang sinusulat naman itoây umabot na sa mahigit 33,000 reactions, 499 comments, at 880 shares ang naturang post ni Lascano.
Narito pa ang ilang komento ng netizens:
âDiyan mo makikita ang taong mabait at may malasakit sa mga hayop.â
âNakakatuwa Ingat po kayo lagi pareho and more blessings galing sa Diyos.â
âPampawala ng stress si doggy lalo na pag traffic.â
âKung gaano mo ipinakita ang pagmamahal mo sa iyong alaga, ganoon din sila sa iyo.â
â
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o âdi kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!