Matapos magbigay-pugay sa yumaong batikang mamamahayag na si Mike Enriquez, binalikan ni Senador Risa Hontiveros ang kaniyang karanasan bilang co-anchor sa GMA Network News noong 1990s.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Setyembre 7, ibinahagi ni Hontiveros ang ilang mga larawan noong mga araw kung kailan nagsilbi umano siya bilang mamamahayag.

“#TBT Noong co-anchor ako sa GMA Network News noong 90s! #90slook 🙃 ,” ani Hontiveros sa naturang post.

“Napa-reminisce pagkatapos magbigay-pugay kahapon sa isang higanteng katrabaho sa GMA na sir Mike Enriquez,” saad pa niya.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Nagtrabaho umano si Hontiveros bilang mamamahayag sa GMA mula early 90s hanggang late 90s.

Sa plenary session naman ng senado nitong Miyerkules, Setyembre 6, binalikan din ng senadora ang kaniyang sariling karanasan nang makasama raw niya si Enriquez.

“Noong una ko pong nakilala si Sir Mike, na-intimidate ako sa kanya dahil hindi lamang malakas ang kaniyang boses, kaya nga po may palayaw siyang Booma, kasi BOOM, malakas din po ang dating niya,” kuwento ni Hontiveros.

“Pero di tulad ng ibang tao na hanggang labas lamang ang dating, yung lakas ng dating ni Sir Mike ay may mahalagang laman. At sa kabila ng kanyang lakas ng dating, napakabait na tao niya, napakabuting tao,” dagdag pa niya.

Kamkakailan lamang ay inihain sa senado ang isang resolusyon na naglalayong parangalan at bigyang-pugay si Enriquez, na pumanaw noong Agosto 29, 2023 sa edad na 71.

MAKI-BALITA: Veteran journalist Mike Enriquez, pumanaw na