Namataan sa Masungi Georeserve sa Rizal ang ilang green birds, na may pangalang "Rufous-crowned Bee-eater,” na nagmistulang mga dahon sa dinapuan nilang punong-kahoy.
Sa isang Facebook post, inihayag ng Masungi na ang naturang green birds ay ang Rufous-crowned Bee-eater (𝑀𝑒𝑟𝑜𝑝𝑠 𝑎𝑚𝑒𝑟𝑖𝑐𝑎𝑛𝑢𝑠).
“Endemic to the Philippines, the Rufous-crowned Bee-eater (𝑀𝑒𝑟𝑜𝑝𝑠 𝑎𝑚𝑒𝑟𝑖𝑐𝑎𝑛𝑢𝑠) seems to blend into its lush surroundings as it appears like vibrant leaves,” anang Masungi.
“But by taking a look closer, you’ll realize that those ‘leaves’ are actually these remarkable green birds,” saad pa nito.
Ayon sa Masungi, kadalang mga lumilipad na insekto, katulad na lamang ng mga bubuyog at putakti, ang kinakain ng naturang “Bee-eaters.”
“Their presence is another testament to the thriving ecosystem we must continue to save here in Masungi,” saad pa nito kasama ang hashtag na #SaveMasungi.
Samantala, natagpuan din sa Masungi kamakailan ang isang Olive-backed Sunbird o “Tamsi” na maituturing umanong katutubo sa Pilipinas.
MAKI-BALITA: Olive-backed Sunbird o ‘Tamsi’, natagpuan sa Masungi Geoserve