National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Babantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang social media accounts ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Inirason ni Comelec Chairman George Garcia, isa ito sa hakbang upang makita ang posibleng election law violations, katulad na lamang ng premature campaigning.

"Once nag-file ka ng certificate of candidacy, ikaw ay kandidato na. Bawal ang pag-post, bawal ang pagkakamay, bawal ang pag-iikot, bawal ang pamimigay ng kung anu-ano dahil ikaw ay kandidato na," ani Garcia

Sa Comelec Resolution No. 10905, ang mga kandidato ay hindi pinapayagang ikampanya ang mga sarili, gayundin ang kanilang plataporma hanggat hindi pa nagsisimula ang itinakdang campaign period.

Sa inilabas na Calendar of activities ng ahensya, magsisumula lamang ang campaign period sa darating na Oktubre 19 hanggang 28.

Kaugnay rito, nagbabala ang komisyon na maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon ang mga mahuhuli at mapatutunayang lalabag sa section 80 ng Omnibus Election Code.